Ayaw talaga nang mga Pilipino na hindi makakasama ang Pilipinas sa buong mundo. Ngayon naman, nakiki-global warming din. Magandang hangarin ang itigil o gawa-an ng para-an ang sinasabi na global warming. Pero ang Pilipinas ay napakaraming problema bago asikasuhin ang global warming.
Kung gustong may maitulong ang Pilipinas, ibaba ang carbon dioxide emission. Pero ano ang pinakamalakas maglabas ng carbon dioxide emission? Jeepneys! Matatanggal ba ang mga jeepneys sa Pilipinas? Hindi! Malalagyan ba ng emission control ang makina ng mga jeepneys? Hindi! Sa madaling salita, hindi magagawa-an ng para-an ng Pilipinas ang pagbawas sa carbon emission. Halos lahat yata na sasakyan, itim na itim ang usok na lumalabas. Hindi ba ninyo halata na pagpunas ninyo ng ilong o mukha ay maitim na libag ang napapahid. Biglang itim nang puti na panyolito. Hindi ito normal. Ang Mexico City mayroon din na emission problem pero hindi katulad ng Pilipinas. Tingnan ninyo ang mga edipisyo, may itim na alikabok na nakadikit. Hindi ito normal. Pilipinas lang ang mayroon nito.
Hindi na nga maayos-ayos ang mga kalsada, global warming pa. Y’ang tinatawag na superhighway o expressway ay para lang eskinita sa Japan o China. Hindi pa patag at hindi pantay ang pagkakagawa. Bago babanat ng gagawa-an ng para-an ang global warming. Unahin muna ninyo ang mga kalsada!
Pag-uulan kahit hindi malakas bumabaha. No-ong kapanahunan pa yan ni President Quezon. Hanggang ngayon hindi pa rin nagagawa-an ng para-an. Siguro kung ang mga Amerikano at Hapon ay hindi gumawa ng mga drainage system no-on sa Maynila pati Pobres Park ay binabaha ngayon. Hindi pa nga na-aayos ang problema ng baha, babanat naman ng global warming. Hindi normal na palaging pinapasok ng tubig ang bahay. Marami sa inyo na ya-an na ang kinagisnan kaya sanay na kayo. Pero hindi normal ya-an. Unahin muna din itong baha bago ang global warming.
Eh yo-ong tubig pa. Sa umaga pagnagkasabay-sabay ang bukas ng tubig nawawala-an ng pressure. Kung minsan pumapatak lang. Mabuti na lang kung napuno yo-ong tanke sa gabi para mayroong matatabo sa umaga. Kung hindi, wala man lang panghilamos. Bago babanat ng global warming. Tatlo na ya-ang dapat unahin muna.
Kung talagang gustong alaga-an ang kapaligiran at karagatan, maraming problemang dapat gawa-an ng lunas. Ang basura nga lang nakatapon dito nakatapon do-on, nakakalat lang Ang mga ilog at sapa ay tinatambakan ng mga basura.
Marami pa ring mangingisda na gumagamit ng dinamita. Pagsabog, lahat na hayop-dagat patay, pati yo-ong maliliit pa. Kaya nauubos ang mga isda dahil walang nakakalaki. Ang mga endangered na pawikan at ang dugong ay hinuhuli at kinakain pa. Hindi na ba sapat yo-ong mga isda at ang mga ibang hayop-dagat.
Karamihan ng mga bayan at baranggay na malalapit sa dagat, inaani at ibinibenta ang mga rare corals at seashells. Maraming nakabilad sa araw sa mga kalsada. Lahat ng buhay at hayop sa dagat hinuhuli. Kinakain at ipinagbibili. Pati ang puti na pino na buhangin minimina. Lahat na.
Dati no-on maraming mga musang, bayawak at labuyo (hindi yo-ong sili). Ngayon wala na kahit na sa liblib na probinsya. Naubos na sa paghuhuli parang gawain lang na pulutan. Sa ngayon, ang mga kababata-an ay hindi alam kung ano ito na mga klaseng hayop. Hindi na nila masisilayan.
Eh yo-ong illegal logging pa. Yo-ong malaking mga puno na gumagamit at nagtatanggal ng carbon emission sa atmosphere pinuputol. Bago hindi naman nagtatanim at pinapalitan yo-ong mga pinutol. Isang malaking purhisyo din ang illegal logging. Pero nagagawa-an ba ng solusyon ng gobyerno? Hindi! Kaya taon-taon lumalala ang mga mudslides. Hindi lang carbon emission, nakakapatay din ng mga tao. Di ba dapat itong unahin din?
Kung tutu-usin maraming mga problema ang Pilipinas na dapat munang asikasuhin bago pakialaman at makisale sa global warming. Pero nauuna ang ambisyosong ugali na wala namang kaya. Kaya ngayon, hindi maka-ahon ang Pilipinas na Third World Country na bansa. Unatin muna ninyo ang baluktot na pagiisip. Mahilig makisakay o makisabay pero wala naman sa lugar at wala din naman na kaya. Kaunting isip lang at common sense. Kung hindi, pagtatawanan na naman ng buong mundo ang Pilipinas. Unahin muna ang mg dapat asikasuhin.
Tuesday, May 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment